Dekalogo
Andres Bonifacio
Mga Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan
1. Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso.
2. Gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa. 3. Ykintal sa puso ang pag asa na malabis na kapurihan at kapalaran na kung ikamamatay ng tawoy mag bubuhat sa pagliligtas sa kaalipinan ng bayan. 4. Sa kalamigan ng loob, katiagaan, katuiran at pag asa sa ano mang gagawin nag bubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais. 5. Paingat ingatang gaya ng puri ang mga bilin at balak ng K... K... K.... 6. Sa isang na sa sapanganib sa pag tupad ng kanyang tungkol, idadamay ng lahat, ang buhay at yaman upang maligtas yaon. 7. Hangarin na ang kalagayan ng isatisa, maging huaran ng kanyang kapwa sa mabuting pagpapasunod at pag tupad ng kanyang tungkol. 8. Bahaginan ng makakaya ang alin mang nagdaralita. 9. Ang kasipagan sa pag hahanap-buhay ay siyang tunay na pag ibig at pag mamahal sa sarili sa asawa, anak at kapatid o kabayan. 10. Lubos na pag sampalataya sa parusang ilinalaang sa balang sowail at magtaksil, gayon din sa pala na kakamtan ukol sa mabuting gawa. Sampalatayanan din naman na ang mga layong tinutungo ng K... K... K... ay kaloob ng Maykapal, sa makatwid ang hangad ng bayan ay hangad din Nya. |
Duties of the Sons of the People
1. Love God with all your heart.
2. Bear always in mind that the love of God is also the love of country, and this, too, is love of one's fellowmen. 3. Engrave in your heart that the true measure of honor and happiness is to die for the freedom of your country. 4. All your good wishes will be crowned with success if you have serenity, constancy, reason and faith in all your acts and endeavor. 5. Guard the mandates and aims of the K.K.K. as you guard your honor. 6. It is the duty of all to deliver, at the risk of their own lives and wealth, anyone who runs great risks in the performance of his duty. 7. Our responsibility to ourselves and the performance of our duties will be the example set for our fellowmen to follow. 8. Insofar as it is within your power, share your means with the poor and the unfortunate. 9. Diligence in the work that gives sustenance to you is the true basis of love -- love for your self, for your wife and children, for your brothers and countrymen. 10. Punish any scoundrel and traitor and praise all good work. Believe, likewise, that the aims of the K.K.K. are God-given, for the will of the people is also the will of God. [Trans.Teodoro A. Agoncillo and S. V. Epistola] |